kwento ng aking surfing experience sa San Juan, La Union.....
8 February 2008, around 10PM
About to leave for Manila, mag-sleep
over kina Lem. Kaso ang hirap ng tricycle kaya I ask EJ if he can
pick me up sa house. He agreed!!! First time nya makapunta samin at
di nya akalaing ganun kalayo from the main road. Then we ate dinner
sa Burger King Halang. Ordered chicken chenes pero di ko naman kayang
kainin, kaya french fries at softdrinks lang ang kinain ko at
pinasalubong ko kay Lem ang chicken chenes. On our way to Lem’s
place pinaguusapan namin ni EJ ang hatian sa gas at toll fees, kung
excited ba kami sa pag-surf, na hindi nya lang ma-imagine ang long
travel, na di pa sya ready kasi nga akala nya next weekend pa, kaya
wala syang dalang jacket, facial wash at sabon. Then
inaantok na kami non kaya pinaguusapan na din namin na di namin
kukwentuhin si Lem, instead matutulog na kami pagdating. Mula ng
banggitin nya ang “Mary magkwento ka naman” hanggang kina Lem di
na nya yan tinantanan. Pero di pa din ako nagkwento....wala naman
akong ikukwento eh!
Siguro mga 12:30 ng madaling araw kami
nakarating kina Lem. First time naming magkita after bumalik ni Lem
from the States. Silip silip sya sa car kasi yung malapit sa gate
nila eh yung driver kaya sinisipat nya ang passenger seat. Sayang!
Sana pala nagtago ako, para kunyari di ako kasama. Tapos, bati lang
sya ng “Hi Mary, finally nagkita na tayo”. Si Lem, ganun pa
rin…the looks, the katahimikan and of course the accent. Wala
nang trace ng slang na narinig namin sa video nya dati. True
enough pag kadala samin ni Lem sa room kung saan kami
matutulog…konting kulitan lang with him, ayon tulugan na. Wala ng
toothbrushan or hilamusan, sumubsob na lang ako then tulog. Ganun
din si EJ. Mukha pa namang ready to kwento si Lem, kasi bagong
ligo na at kakagaling nga lang sa gimmick so buhay na buhay pa ang
dugo. Ang sama namin ni EJ, di talaga namin sya kinuwento, sabi na
lang nya “Matutulog na talaga kayo?”, di na kami sumagot, ginawa
na lang namin. Di na pala sya nakatulog, kasi nagising si Aiko, yung
housemate nya at nagkwentuhan sila, they were hoping na magising
kami sa pananakot nila at makipagkwentuhan kaso masyado talaga kaming
antok kaya deretso na till 3:30AM ang tulog namin.
9 February 2008, 3:30AM
Nag-set si EJ ng alarm, pero ako palang
ang bumangon. Change ako ng damit, yung to go ko na na damit,
toothbrush na din. Pero si EJ, ayaw pang bumangon kaya balik ako sa
paghilata. Nung mga 4AM na after 3 alarms eh bumangon na din si EJ.
Maya maya anjan na si Lem, to check on us. Umupo sya sa kutson na
pinahiram nya sakin, sa may tabi ko. Ako eh kasalukuyang nagaayos ng
damit na pinagpalitan ko. Ni-pat ko lang sya sa balikat at sinabing
“Musta na?” ngingiti ngiti lang si Lem (actually usual Lem yun).
Tapos tumayo na sya at nag-hagilap ng gamit na
dadalhin nya. Si EJ nanghiram sya ng jacket kay Lem kaya inihanap sya
sa drawer...
Pag baba namin sa may sala/kitchen,
nakapag-init na siya ng tubig...coffee time na. He treated us to a
warm breakfast by serving 3-in-1 nescafe =). Maya maya pa, nadecide
nilang i-park nang maayos si PJK, kaya yung car ni Aiko eh nilabas
nila sa garahe at pinagpalit. Tapos nagising si Aiko, nakinood sa
i-pod ni EJ, kami ay sabay sabay na naghintay sa pagdating ni Crisel
na nag-text kay Lem na papunta na sya.
Mga 5:00AM na
yun, dumating na si Crisel. We loaded our things then off we
go…hatid kami ng tanaw ni Aiko sa labas ng bahay. Si Crisel muna
ang driver, si Lem ang navigator kaya sya ang may hawak ng map at
co-pilot din sya kaya sya ang nasa unahan. Kami ni EJ ang magkatabi
sa likod, balak naming matulog sa byahe kaya doon kami pumuwesto.
Then kumustahan, like si Lem ngayon lang nakita ni Crisel at ngayon
din lang nya nalaman na dito na ulit sya sa Pinas. Kwento kwento si
Lem kung saan sya nag-wo-work. Then Crisel turned to me and said
“Mary magkwento ka naman” kaya binangggit kong “EJ ikaw ba yan?
At nikwento ko na na ganun ang sinasabi ni EJ hanggang makarating
kami sa bahay nina Lem. Pero, wala pa rin akong kwento.
Si Crisel ang pilot, kaya naman she
already warned us na she’s too careful in driving kaya mabagal sya
and that she doesn’t know ang way kaya si Lem ang mag-aral ng map.
Usapan naming tatlo “madali lang yan, derederetso lang”. Ang dilemma
ni Crisel eh yung exit sa Conception Tarlac, sabi namin madali lang
yun, just follow the buses. Then she’s so proud of herself kasi we
reached Hacienda Luisita na sya ang driver. Tapos we ate at Max’s
ng breakfast. Looking forward ako sa breakfast kasi Max’s, but then
na-disappoint ako. It’s not as good as I imagined it to be! Crisel
started making kwento about Jericho dito then nung nasa car na kami
si Echo na ang kwento the whole time kasi passenger na rin si Crisel
at si Lem naman ang driver. The whole byahe namin, as in non-stop ito
even for wee wee break, wala. Dami na naming information about Echo
and JL, faces na lang ang kulang nila. Kaya napagkasunduan ulit na
pagpinakilala na kami ni Crisel, sabay sabay kaming magsasabing “Ah!
Ikaw pala si Papa Echo!” We arrived San Juan, La Union at 12:30PM,
just in time for lunch kaya deretso na kami sa Urbiztondo. Restaurant
sya opposite of the resort where we will stay. Highly recommended ni
Crisel ang tortang talong kaya naman umorder para patikimin kami. I
ordered pinakbet, naisip ko kasi masarap ang pinakbet kasi Ilokano
region, so specialty nila ito, pero masarap naman kahit papano, mas
masarap nga lang ang luto ng Nanay ko. Crisel ordered sinigang, Lem
barbeque, EJ lechon kawali. During lunch, JL called, hinahanap na nya
si Crisel at sinasabi na din nyang nag-su-surfing na sila sa
Bacnotan. Pinapasunod na nila kami doon. Pero we asked Crisel if we
could rest muna, kaya yon, natulog muna kami ng konti then mga 3PM we
went to Bacnotan for our first try.
Naligaw kami on our way to Bacnotan, di
namin nakita ang white thing na sinasabi ni Jericho. Mabuti na lang
sinundan kami nina JL at Jericho and they lead the way. Eto na
talaga, surfing na! Daming tao sa dagat, sari-sari, may naka-tayo na
sa surf board, meron namang nagpupumilit tumayo. Pero di ko masyadong
naintindihan ang paligid ko kasi magkahalo ang excitement at kaba ko
for my own experience. Then we were introduced kay JL and Jericho
then to our respective instructor. The name of my instructor is Jeff
then he led me to the shore for the general instructions.
I had hesitation but I also had this
feeling of really wanting to do it….kasi naman sabi sa website na
napuntahan ko…mahirap sya: ito, excerpt sa binasa ko dati:
Understand
that this will be the most difficult sport you have ever encountered,
bar-none. On a physical level, of all the sports that I have been
involved in, only long distance running comes close. On a scale of
one to ten, surfing is a nine. Understanding the waves, how, when and
where to catch them on an intelligence level only the game of chess
would compare. Understanding the technique that gives the surfer the
best chance to deal with the ever changing course which surfers ride
is truly a difficult task much like the game of golf. Then comes the
importance of balance, coordination and confidence much like in the
sport of gymnastics. You see what I mean? It is not going to be
easy.
Thoughts like,
di ako marunong lumangoy, ok lang kaya yon? runs my mind, pero di
naman nya tinanong kaya baka di naman necessary kaya sige lang..sabi
din kasi sa isa pang website na tips for beginners eh “JUST ENJOY” eh di yun ang gagawin ko.
Ito na
nagsasalita na si Jeff, positioning like nakadapa ka sa board then
pag sinabi nyang ready mag-papadle ako, deretso tayo na yon. Ang
pagtayo eh ganito: nakahiga ka sa board, itaas mo yung upper body mo
na para kang mag-start mag-push-up then yung naka-leash mong paa sya
yung maiiwan sa likod then up your whole body and place yung isa pang
paa sa unahan. Naka-slant yung both paa, tingin sa unahan, don’t
look sa paa, just straight ahead, don’t stand up, just bend then
balance with your hands. Gagawin muna sya ng instructor then after
nyang ipakita, ikaw naman ang gagawa until magawa mo nang tama sa
shore saka kayo pupunta sa tubig. Di naman ako kulelat halos sabay
sabay naman kaming nagpunta sa water. Una muna bago lumusong you have
to put on your leash…usually ito ay sa stronger paa mo, in my case
yung right sya. Tali sya na nagko-connect sa paa mo at sa board, ito
naman ang nabasa ko tungkol sa leash…..
There
is no doubt that if you are a beginner, you should always wear a
leash. It is a matter of safety. A runaway surfboard can become a
blade-like projectile when mistakenly shot into action by a fumbling
newbie.
The four of us
were in the same area, kaya naman magkakakitaan kayo kung ok ka na ba
or not. Though di ko na naging concern yun kasi nga busy ang mind ko
kakaisip nung mga instructions. Tapos ayun na,
first attempt….di pa man nakakatayo, laglag na…ni hindi nga ako
nakaluhod eh. Try again, this time nakaluhod naman pero laglag
pa din, after a million times of trying and corrections from the
instructor, we decided not to follow the instructions and do other
ways of doing it. Instead of gliding the right foot on the side after
the ready signal, what I will do is to do a push up position and hop
up and just let my feet do the placing, and according to the
instructor it will usually place itself automatically…true enough
it happened. Then I was able to stand up and play with the waves, TWICE, before my time ends. HURRAH!!! And it’s long =) But before
this took place I was so frustrated because I’m seeing Lem, EJ and
Crisel enjoying the standing on the surf board already. Pagkakita ko
nga sa kanila, nibubugbog ko yung surf board ko and proclaiming “Ako
din!” then I asked my instructor if there were instance where the
student didn’t learn to ride the surf board or did not stand ever?
I will be the first case if ever daw….I was challenged by that and the
moment I let go of fears and just enjoy wowah!!! I executed it well
=). Actually according to Jericho I was even siding on the waves
already…and he said to Crisel na pwede ko na ding careerin ang
surfing. Tapos ayun natapos na ang one hour ko although nag-request pa
ako ng extension pero tawad na lang, kaya lang bitin na yung waves na
dumating kaya di na ako nakatagal na nakatayo. Ang bait nung
instructor ko, dina nya talaga siningil ang extension ko. Tapos back
to shore na ako. Si Lem ang nauna saming apat sa shore then ako then si
EJ, pinakahuli si Crisel. Kwentuhan kaming tatlo ng experiences at
payabangan. Then we went back to San Juan, straight sa
McDonald kung saan nag-drive-thru kami ng food. Wala silang chicken
ecklavu kaya nakigaya ako sa mga boylets sa quarter pounder. Hirit ni
EJ “Huwow, one of the boys ka na naman”. Di ko
tuloy naubos, kasi nauumay na ako, di talaga ako burger person. Tapos
antok na antok na ako eh one CR lang kami kaya kaming tatlo nina EJ at Lem
eh nakalupagi sa sahig at nanood ng TV habang kumakain ng McDo
take-out. After kong kumain, subsob na ako sa kama, di ko na kaya ang
antok. Kinukulit ako ni EJ para di ako makatulog, pinapapaligo na ako
ni Lem para matanggal ang antok. After ni Crisel, ako naman then
yung two boylets na, nag-text si Echo, nagyayakag lumabas sa Bayan.
Sabi ko, di na ako mag-dinner pero pwede akong
magkape. But before kami lalabas, nag-text itong si JL kay
Crisel at makikiligo daw kasi madami sila sa room nila so silang dalawa ni
Mike eh makikiligo. Kaya kahit tapos na kaming apat maligo at pwede na
sanang lumabas eh inintay muna namin sina JL matapos. Then eto na si
Papa Echo, ah tamang tama naman ang labas pasok nya kasi tapos na
din si JL mag-shower…so kwentuhan silang tatlo nung una then after
awhile naalala nilang andon ako kaya sinali na din nila ako sa
usapan. Siguro mga 8PM na yun, lumabas na kami for coffee….we went
to Halo-halo de Iloko, pero wala dung kape, hehehe instant coffee
lang kami, di masarap =( then bago bumalik sa resort eh dumaan muna
kami sa mercury to buy some chicha habang nagkukwentuhan sa seashore.
Picturan, inom ng konti sina Crisel at Lem, kwentuhan kaming apat. Tapos
nagkayakagan nang manood na lang ng TV or humilata na lang sa cottage
kaya back to cottage kami. Di ko na talaga kaya ang antok, kaya kahit
nanonood sila at nagsisiksikan kami sa isang kama eh tinulugan ko sila.
Surfing dudes and dudettes doing the shaka hand sign |
Halohalo de Iloko |
10 February 2008, 6AM
The following day, dapat mag-shoot na
lang ako, para naman may-souvenir kami tapos sakay din ako sa board
para lang magpapicture. Pero naisip ko, andon na din naman ako
lubusin ko na, kaya nag-decide akong mag-surf ulit. This time ang
instructor ko naman ay si Rodyman, di na ako nagpa-general
instructions ulit, sabi ko alam ko na sya, naturo na kahapon. Akala
ko di ko na kayang sundan yung tinuro or naaral ko kahapon...avah ang
galing unang try ko palang ang layo na ng narating ko...within 15
minutes kasama na dun ang antay sa waves..ang dami ko nang tayong
nagawa.....sulit na daw ako sabi nung guide ko =) at sabi nila para
daw yang biking..once naaral mo, alam mo na sya.....kaya nga sabi ko
di pwede na akong mag-bike...hehehe di naman daw ganung vice versa.
Ang galing, kasi the following day kaya ko nang controlin, kung di ako
sa gitna nang board napalanding sa push ups ko eh kaya ko nang ibalik
ang sarili ko sa dapat kong pagkalagyan at kaya ko na syang
i-direct..konti pa at kakayanin ko na na successful bawat ride =)
pero balang araw na lang yun..for the mean time eh natutuwa na ako sa
experince at malamang kaya ko pala yun......
Yung dalawang lalaki,
ang yayabang the following day eh hindi na nag-instructor..sila na
ang taga-abang, taga-timing....kaya yun kataasan nilang nagawa eh
lumuhod sa board.....kaya na-appreciate na nila ang instructor...at
least man lang daw sa pagtulak eh may tumutulong =) Si Crisel naman
eh nag-aral ng mag-paddle on her own at sumakay sa waves, ang
ginagawa na lang ni Papa Echo eh mag-abang ng waves for her at
i-ready sya. Pagbalik nya next time with officemates baka sumali sa
beginner's competition.....pag beginner's competition pwede daw may
taga-tulak pa =) Sabi nga namin tama sumali sya...kaya na nya yun =).
Then by 11:30PM we went back to San Juan and prepare to go home. Bago
tuluyang on the road kumain muna kami ng lunch sa McDonalds….saya
nang kainan, kwentuhan about surfing experiences and mga nagyari that
weekend away. Then on the way home si EJ naman ang driver. Usapan
nang next adventure, malamang na malapit nang gawin ang wakeboarding,
sabi ni Crisel, wag daw syang kalimutang isama. Tapos ayan na, all
the extreme sports na kami, parepareho kasing mga naghahanap ng sakit
ng katawan kaya naman sa susunod daw eh Bunjee Jumping or Sky Diving
naman. And since silang tatlo eh nag-da-dive, sinasama na din ako. Hay!
Sarap ng buhay, sino bang magsasabing di ako mayaman?
nice one Crisel! |
When we reached
Hacienda Luisita and to complete our photo story, we stopped at
Starbucks for take-out coffee, well basically ito ay dahil gusto lang
naming maka-shoot ng starbucks at papangalanan naming "starbox" tribute
to Papa Echo kasi. Then homebound na, si Lem naman ang driver na
dito. At na-miss namin ang this way to Manila sa Angeles Pampanga
kaya after ng magandang bridge eh nakapasok kami sa Angeles City
proper, hahaha, pasensya na sa States kasi nag-drive ang driver
namin kaya di pa alam ang mga susuutan. Pero after awhile naman eh
nasa right track na kami. Then mga 8PM nayun, nakarating kami kina
Lem na bahay. Nagtuusan at nagbayaran ng mga common gastos at dahil
nagbayad kaming lahat kay Crisel at dahil kakatapos lang ng birthday
nya…nakantyawan naming magpa-pizza. Yey! We had a big New York
Pizza from Yellow cab =) Yummy!!!! Kaso super duper sakit ng katawan
ko at antok kaya di ko na-enjoy ang kumain, mas gusto kong matulog na
lang. Around 10PM na yata yon, umuwi na kami ni EJ……..hayyyyyyyyyy
sakit ng mata ko sa antok, ang hapdi na..di ko naman matulugan si EJ,
kakahiya naman! Ayoko pa ding mag-kwento kahit na pinipilit nya ako,
kaya nag-play sya ng Simpson’s…..Home na ako by 12MN yata. Thank
you Lord, saya ng weekend na yon! I like the company of EJ, he’s so
sweet, so caring. Si Lem na tahimik pero di mo
papakisamahan, maalaga din, at cool kasama. Si Crisel na kahit na may
kasupladahan eh di naman nag-i-empose kaya oks na din, makwento at may
makulay na lovelife. Sana sa susunod na adventure ulit at sana next time
kasing saya or mas masaya pa. Salamat talaga Daddy God….naaliw ako
sa mga bagay na nagagawa ko. Salamat po! Hanggang sa muli!
bawal matulog sa byahe! |
happy birthday! blow your pizza! |